SA
BAYANG FILIPINAS
Ni Apolinario Mabini
Bagamat mahina at ako’y may saquit
kinusa ng loob, bayang inibig
na ipagparali ang laman ng dibdib
di na alintana ang madlang ligalig.
Sa panahong itong kahigpitang sakdal
ay dapat itaya ang layaw at buhay,
sa pagka’t di natin dapat pabayaan
iba ang kumabig ating kapalaran.
Tingni’t nagdadaang halos magpangabot
mga kababalaghang pakita ng Dios,
tingni yaong bayang palalo at hambog
dahil sa ugaling ipinagbabantog.
Sapagkat ng una’y kaniyang nasasakupan
malalaking bayang nadaya’t nalalang,
kaya naman ngayo’y pinagbabayaran
ang nagawang sala sa sangkatauhan.
Talastas ko’t walang kamahalang sadya
sino mang magsaya sa ibang sakuna;
nguni’t lalong talos na di naaakma
na sa bayang iya’y makisalamuha.
Pinaghihimas ka at kinakapatid
kapag sa sakuna siya’y napipiit;
nguni’t kung ang baya’y payapa’t tahimik
aliping busabos na pinaglalait.
Ah! Pag nakipag-isa sa naturang bayan
gagamit ka ng di munting kaul-ulan
kun dili kaya’y magpapakamatay,
‘pag hindi sa utos ng Dios sumuay.
At kung ang balang na ay waling bahala
at ipatuloy mo kaul-ulang nasa,
haharanging pilit ng dugong naglawa
ng mga anak mong lubos na naaba.
Sasabihin niya’y, tigil
at huag ka na magpapatibulid sa ikamumura
pagka’t ng ikaw lama’y guminhawa
kaya ibinuhos ang madlang parusa.
Di ko hinahangad na ikaw’y lumabas
sa kampo ng walang kahusaya’t sangkap,
pagka’t talastas kong matuid ang landas
at mahahatid ka sa pagkapahamak.
Ang inoola ko’y dili iba’t ito
mag-isa ang loob ng lahat ng tao,
sa loob ng bayan at sa bawa’t barrio
ay biglang maghalal ng isang Pangulo.
Ang mga Pangulo ay mangag-uusap
pipili ng Punong lalong nararapat
humusay ng gulo, magtuto sa lahat
at tumayo naman sa bayang nag-atas.
Ang mga Pangulo habang naghuhusay
ng sa isa’t isang mga kaibigan,
hinahanap naman nitong Punong bayan
ang Punong nahalal sa mga kahangan.
At kung matuklasa’y biglang pupulungin
pagkakaisahin ang Punong susundin
at sa kabayana’y lalong tatanghalin
sampong tagatayo na kikilalanin.
Ytong tagatayo’y kusang maglalakbay,
tutunguhin niya ibang kabayanan
at kung matagpuan mga kababaya’y
ipakikita na dalang kasulatan.
Sa sulat na ito nanga kapirma
ang mga Pinunong nagsugo sa kanya,
upang mapagnuynoy yaong Ordenanza
pati ng programa niyaong Republica.
Tuloy kilalanin niyaong kapisanan
ang
kapangyarihan niyang tinataglay
at siya ay isa sa mangaghahalal
doon sa Presidenteng kapunupunuan.
At siya’y magtungkol na makapaghanap
ng ikagagaling nitong Filipinas
at ng kabayanang sa kaniya’y nag-atas
ayon sa tadhana
niyong Ordenanzas.
At ang mga salin na nagpapatunay
sa mga Pinuno na pagkakahalal
ay sa Presidente kusang ibibigay
upang
pagtibayin yaong katungkulan.
Ito nga’t di iba aking pinipita
sa iyo, oh
bayang inoola
kun ito ang gawi’y magkakaroon ka
boong kailangan
at ikaka-kaya.
Kahusaya’t lakas, boong kasangkapan
pawang hahakutin sa iyong kandungan
at may mananagot, kun ang ibang bayan
ang ibig
maglutas iyong kabuhayan.
Sa tawong marami walang iluluhog,
kundi mangag-bait ng di mabalatong
huag mabalisa ng di maparool
at di nababakla loob na hinahon.
Sa mayama’t pantas ay ipatalos
sa kanilang kamay tinipon ng Dios ang yaman
at dunong na gagawing tungcod
upang masapit mo ang ikababantog.
Kahima’t talikdan ang ingat na dangal
at ikakait nila ang na kakayanan,
hindi rin uurong ang balisang bayan,
galit palibhasa’y siyang umaakay.
Lahat na madana’y kun maigiba na
sa tinakbo-takbo walang pinupunta
tambing babalikan ang di nabalisa
sa galit ng Dios siya’y isasanga.
Nguni’t hindi ito ang pinaglalagiyan
ng boong pag-asang laon ng sinimpan
ang pananalig ko ay buhay na buhay
sa mga anak mong katutubong damdam.
Bayang sakdal tapang at dati sa tiis
pinangingilagan ng dusa’t panganib
himala ng sipag kun natatahimik
sa pagka alipin ay lihis na lihis.
Sa pagkadakila tungo iyang bayan
at natatalagang malakas na kamay
na ipaghuhusay sa sangdaigdigan
pinilis hinirap ng Poong may kapal.
Ang bayang ito’y may tinagong lakas
na ikaaahon sa pagkapahamak,
at makahihingi ng luklukang dapat
sa apkikiulong sa ibang Potencias.
Tantong manalig ka’t ikaw’y tutulungan
kanilang inanak hindi babayaan
pagka’t pawang hirap siyang maaayunan
nguni’t kun tumulong ay kaginhawahan.
Mga binibini siyang magyayakag
upang
maitunghay noong maliwanag
na pinaglahoan ng pula’t paghamak
at pakundanganan ang puring iningat.
Yaring salita ko’y kusang ititigil
taluktok ng bundok siyang tutunguhin
dito ihahagis, bayang ginigiliw
ang magbati sa iyong luningning.
Kapag nabalita sa huning mapanglaw
niyaong mga ibon aking pagkamatay,
pakatantoin mong huling binitiwan
ng mga bibig ko ang iyong pangalan.
At siya rin naming marahil tawagin
sa mga sala ko’y upang patawarin
ibukas ang pinto’t tuloy papasukin
sa piling tahanan ng payapa’t aliw.
Group 2, #6
/liwayway
/mikoy
/kuting
/ariane
/aira’mae_05
/yanie
/shellaG
/joandeleon
Comments
Post a Comment