Skip to main content
MGA TUGMANG PAMBATA

TUGMANG MAPANUKSO
1.  Mama, Mamang namamangka
Ipakisakay yaring bata
Pagdating mo sa Maynila
Ipagpalit ng maruya.
Ale, Aleng namamayong
Ipasukob mo yaring sanggol
Pagdating mo sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
Meme na ang batang munti
Isisilid ko sa gusi
At pagdaraan ng Pare’y
Ipagpalit ng salapi.
Meme na ang batng sanggol
At isisilid 
ko sa bungbung
At pagdaraan ng patron
Ipagpalit ng bagoong.
2.  Tutubi, tutubi
Huwag kang magpahuli
Sa batang mapanghe.
3.  Tiririt ng maya
Tiririt ng ibon
Ibig mag-asawa
Walang ipalamon 
4.  Isa, dalawa, tatlo
Ang tatang mong kalbo
Umakyat sa Mabolo
Inabutan ng bagyo 
5.  Gaya, gay puto maya
Nakapulot ng isang pera
Ibinigay sa asawa
Ibinili ng isang saya.
TUGMA SA KALIKASAN
1.  Ulan ulan pantay kawayan
Bagyo, bagyo pantay kabayo.
2.  Ang bughaw na langit
Ang payapang dagat
Ang mabining alon
Ang maputing ulap
Ang sanggol sa duyan
Kung humahalakhak
Lahat ng maganda
Maganda ang lahat.
TUGMA SA PAGBILANG
1.  Isa, dalawa, tatlo
Nasan ang eroplano
Apat, lima, anim
Lumilipad ng matulin
Pito, walo, siyam
Bumaba nang marahan
Pagbilang ng sampu
Tayo ay lumayo.
2.  Isa, dalawa, tatlo
Naku! Dami nito
Apat, lima, anim
Atin ngang huliin
Pito, walo, siyam
Ang bilis naman
Sampung lahat lahat
Iluto ng masarap.
3.  Isa dalawa, hilaw na papaya,
Tatlo, apat, mapait na duhat,
Lima, anim, manggang maasim,
Pito, walo, tara nang magluto!
Siyam, sampu, nang mabusog natayo!
6.   Pagtugtog ng kampana
Lalabas ang mga kuba
Pagtugtog ng kuliling
Lalabas ang mga duling.
7.  Sitsiritsit alibangbang
Salaginto, salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
8.  Santo Niño sa Pandacan
Puto seko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam.
9.  Ehem, ehem pusang itim
Hindi makakain kundi sa dilim.
10.  Ang babae sa Las Pinas
May saya’y walang laguas
May sapatos walng medyas.
11.  Heto na si taba
May dalang timba
Heto na si payat
May dalang patpat.
12.  Si Mariang maitim
Nagtago sa dilim
Ipinalabas ang ngipin
Ipinadagit sa lawin.
13.  Bata batuta
Samperang muta.
14.  Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad.
3.  Ang tubig na hinihigop
Ang hangin na 
sinisinghot
Mga bulaklak na 
mahalimuyak.
4.  Mga punong 
nagtatayugan
Kalikasa’y huwag sirain
Nararapat lamang 
mahalin.
4.  Isa, dalawa, tatlo,
Si Angelito ay talo,
Apat, lima, anim,
Sa pagpapa sagot kay Jasmin.
Pito, walo, siyam,
Paano kasinaman,
Ni ang bulsa ay walanglaman!
5.  Isa, dalawa, magtiba natayo,
Tatlo, apat, saging na makunat,
Lima anim, aanhin ang saging?
Pito, walo, magsisinugno tayo.
Anong luto?Anong luto?
Manamis-namis, na maalat-alat,
na may konting sago!
6.  Isa, dalawa, tatlo,
Anak  ika’y magtago!
Apat, lima anim,
Ang Bombay ay maniningil,
Pito, walo, siyam,
Tayo ay walang kaperahan
TUGMA SA GAWAIN
1.  Halika na Neneng
Tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo
Sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo
Lalamba-lambayog
Kumapit ka, Neneng
Baka ka mahulog.
2.  Buwan, buwan
Hulugan mo ako ng sundang
Aanhin mo ang sundang?
Ipagkakayas ng uhay
Aanhin mo ang uhay?
Ipananahi ko ng bahay
Aanhin mo ang bahay?
Paglalagyan ko ng palay
Aanhin mo ang palay?
Kakainin ko araw-araw.
3.  Lagare ang lagare
Maghapon ay kahate
Pag hindi nakayare
Papaluin ng pare
Lagare nang lagare
Lagare ng lagare
Magsaing ng kaunti
Para ipakain sa pare
Simbahan sa Paete
Medaling mayari.
TUGMA SA KAGANDAHANG-ASAL
1.  Saan ka nanggaling?
Sa lunggang malalim
Anong ginawa mo?
Kumain ng saging
Bakit di mo ako tinirhan?
Kinain ng daga
Bakit di mo tinaga
Ako ay naaawa.
3.    Pagsabi ng po at opo,
Ang sabi ni Ama
Ay dapat sabihi’t isapuso
‘Pag may kausap na matanda.
4.  Sa araw-araw bago kumain,
Diyos Ama’y pasalamatan natin.
TUGMA SA PAGHAHAMBOG
1.  Doon po sa amin
Bayan ng San Martin
May nagsuntukan
Dalawang walang kamay
At may naghabulan
Na dalawang pilay.
2.  Isa, dalawa
Si Karding ay kuba
Tatlo, apat
Siya rin ay makunat
Lima, anim
Ang bibig n’ya’y matalim
Pito, walo
May bukol sa ulo.
3.  Ako’y may kakilala
Si Nardong siga,
Walang inuurungan
Nanghahabol ng taga.
Ngunit nang ang parak
Ay dumating na
Siya’y biglang nawala
Nagtago na pala.
4.  Doon po sa amin
Bayan ng San Delfin
May nakipagsuntukang isang duling
Ang isang matino ay sumuntok na
Aba’y nagreklamo
Kalaban daw ay dalawa!
4.  Isa, dalawa tayo’y magsaya
Tatlo, apat tayo’y magtapat
Lima, anim tayo’y magtanim
Pito, walo tayo’y magbayo.
5.  Tara na’t bumangon,
‘Wag nang aanga-anga
‘Wag sayangin ang panahon,
Tayo nang magsaka.
‘Wag mong kalimutang
Dalhin ang radyo
Nang tayo’y sumigla’t
Ganahan tayo!
6.  Bumangon ka na Totoy
Tayo pa ay papalaot,
Huhuli tayo ng isda
Kasya sa ating bangka
Sa iyong pagsagwan
‘Wag mong kalilimutan
Ang sandaling pagpahinga
Nang di agad manghina.
7.  Ulan, ulan, wag kang titila
Ang aming sakahan
Ay kailangang mabasa
Upang sa pag-aani’y
Hindi na mahirapan
At pagdating ng araw
Ay sasagana ang palay.
2.   Kung Linngo ay nagdarasal
Sa kapilya o simbahan
Lunes, Martes, Merkules,
Huwebes, Biyernes
Naglaro’t nag aaral
Sa sariling paaralan
Kung sabado’y naglilinis
Sa tahana’y nagwawalis.
5.  Ako’y namimingwit
Sa tabi ng dagat
Sumibad ang isdang maliit
Aking pinakawalan.
6.  Kung gabi’y mangingisda
Kung umaga’y mag-aaral
Talagang mahirap, mahirap talaga!
Ang pagsabayin ang dalawa.
5.  Ako’y may nakita
Dalagang maganda.
Nang siya’y lumingon na
Aysus, Bingot pala!
6.  Ako’y kasintigas ng bakal at bato,
Sampung libong sundalo
Aking matatalo. 
Ngunit pagdating doon sa multo,
Hala wag na po, ako’y uuwi na!
7.  Ako’y isang lalaking
Tapat kung magmahal
Handang ialay sa iyo
Ang buhay ko’y dangal
Ngunit kung ako’y 
Gagawin mong hangal
Aba’y magtago ka na
Ika’y aking mapapatay!
8.  Sampung taon, mula ngayon
Buhay ko’y magbabago
Bibilhin ko ang lahat
Ng bagay na gusto ko
Bahay, lupa, tindahan at barko,
Pangako sa taong iyon
Ako’y isa nang milyonaryo!
TUGMANG WALANG KABULUHAN
1.  Nang ako’y nagising
Kaninang umaga, 
Ako’y nakasimangot
Ngunit ako’y Masaya.
2.  Ako ay kumain
Ng isang sakong bigas, 
Nang bumuhos ang ulan
Ako na’y lumabas!
3.  Tiririt ng maya
Tiririt ng ibon,
Gusto kong lumakad
Pabalik ang taon.
TUGMA SA ARAW AT BUWAN
1.  Lunes, at Martes, nang makilala ko si Marites
Miyerkules at Huwebes kaming dalawa na ay magkapares
Biyernes, Sabado, siya sa aki’y nagtampo
At pagsapit ng Linggo, kaming dalawa’y nagkalayo.
2.  Lunes, nang tayo’y magkita
Martes, minahal na kita
Miyerkules, lagi kitang nais na makita
At nang mag-Huwebes
Ako’y labis na nag-alala
Biyernes, ika’y wala pa rin
Sabado may dumating nasulat sa akin
At nang mag Linggo, nalaman kong ikaw na’y lumayo.
3.  Enero, Pebrero, ikaw ay laging narito
Marso at Abril, mahal nakita marahil
Mayo at Hunyo, ikaw na ay nanuyo
Hulyo, Agosto, abot-langit na ang pagkagusto sa’yo
Setyembre, Oktubre, ako’y iyong laging nililibre
Nobyembre, Disyembre , kaharap na natin ang pari.
4.  Minu-minuto kitang nais makita
Oras-oras, ikaw ang nais makasama
Taun-taon, hanggang sa paglipas ng panahon, 
Ang bawat oras ko’y sa’yo lang nakatuon.
TUGMA SA BUNGANG-KAHOY AT GULAY
1.  Hilaw na papaya at hinog na kamatis
Aking nginangata,pampaganda ng kutis.
2.  Bahay kubo, kahit munti,
Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong,sigarilyas at mani,
Sitaw, bataw, patani.
Kundo,l patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.
3.  Isa, dalawa, tatlo, bulaklak na mabango,
Apat,lima anim, sampalok namaasim .
Pito,walo, siyam, masarap nadalandan,
Pagdumating sa sampu,malalaking mangga ay isubo.
4.  Ang dalagang mahinhin,
Sa bayan ng San Martin.
Siya’y mahilig umawit, at magaling magtanim,
Samu’t saring gulay ‘yong mamamasdan.
Sa kanyang malawak na bakuran,
May talong, may upo, kundol at patola,
Mais, sitaw, sibuyas, kalabasa atbp.
TUGMA SA ALAGANG HAYOP
1.  Siya si Otep
Ang alaga kong aso
Kulay puti, Malaki
Mahaba ang nguso.
2.  Ako’y may alagang
Madaldal na parrot
Ako’y laging pinasasasaya
‘Pag ako’y malungkot.
3.  Ang pusa kong puti
Ay pagkalusug-lusog
Siya ay aking katabi
‘Pag ako’y matutulog.
4.  Itak na bungi-bungi
Hiniram ng pari, 
Nang itaga’y nabali, 
Papalitan na lamang ng salapi.
5.  Paano ko masasabing
Sa iyo’y may pagtingin?
Kung ika’y may saging
Na laging kinakain!
6.  Patayin mo na ang pusa ko
‘Wag lang ang syota ko,
Dahil panigurado, 
Magkakamatayan tayo!
4.  Ako’y may alaga
Asong mataba
Nang siya’y mangagat
Ipinagbili ko na.
5.  Sa aming bakura’y 
Maraminghayop
May bibe, may baboy
Aso pati manok.
6.  Ang alaga kong kalapati
Lumilipad kung tanghali
Nang Makita ni Romy
Hindi na sa’kin nakauwi.
TUGMANG MATALINGHAGA
1.  Talang marikit
Sa madilim na langit
Ganda mo’ykaakit-akit
Kaya’t inaabot ng pilit.
2.  Kaysarap pakinggan
Ng malulungkot na awitin
Puso’y tila hinuhugasan
Pinagagaan ang damdamin.
3.  Katulad mo sinta’y, bulaklak sa hardin,
Pagkaganda-ganda’t, nakakaakit pa mandin.
4.  Nang ika’y di inaasahang dumating sa buhay ko,
Hindi ko namalayan kung paano na tumakbo,
Ni halos di ko na kilalakung sino ako,
Kung kaila’t paano nagsimula’y litung-lito ako.
5.  Ang kagandahan niya’y naging kapangitan
Nang kanyang mapagtanto ang kaniyang pinagmulan
Ngayon ang katotohana’y naging kasinungalingan
Ang dahilan ng lahat ay ang kaniyang nakaraan.
TUGMA UKOL SA TAO
1.  Doon po sa amin
Ay maraming kuba
May bulag, may duling
May pipi at beluga.
2.  Itong si Maria
Mahinhin kung ituring
Kilos n’ya’y pangmatanda
Nagtitinda ng saging.
3.  Ako’y may kakilala
Mauricia ang pangalan,
Buhok niya’y mahaba
Sintu-sinto nga lamang
TUGMA SA PAMPILIPIT DILA
1.  Huwag mabagabag 
Sa mga nakapagpapabagabag 
Na bagay na magiging dahilan 
Ng iyong pagkabagabag.
2.  Pitong libo, pitong daan 
At pitumpu’t pitong puting pating.
3.  Bumili ako ng walumpu’t walong salawal 
Na walang bulsa sa botikang maraming butiki.
4.  Minikaniko ni Nicolo ang makina ni Nica 
Na anak ng mekaniko ng manika
5.  Iniinda ni Inday ang hirap ni Inay 
Na nagpapaaral kay Dilay na kapatid ni Dinda.
6.  Pumuputi nang pumuputi 
Ang pitumpu’t pitong kuting.
TUGMA SA SASAKYAN
1.  Bakulong ditto
Bakulong doon,
Bakulong kahit saan
Saan man pumaroon.
2.  Kung maaari lang
Magbangka patungo sa buwan
Ito’y noon ko paginawa
Noon ko panasimulan.
3.  Isa, dalawa, tatlo
Magbisikleta tayo,
Apat, lima, anim
Lalakas pa angkatawan natin.
6.  Ang masalimuot na pagpapakasakit
Sa kanya’y baliwala
Ang tanging sa kaniyang isip
Ay ang buhay na masagana.
7.  Nang umagang iyon
Pakiramdam niya’y parang bulak
Sinalubong niya ng ngiti
Ang araw at ang ulap.
4.  Si Kapitan Tiago’y
Tunay na kahanga hanga
Idolo ng lahat
Dahil sa kawang-gawa
Siya’y mabait at hindi nagsasawa
Sa pagtulong at pag-alalay
Sa kaniyangkapwa.
5.  Doon sa San Roque
Ako’y napadpad
Agad kong nakilala
Si Pablong matangkad
Katawan nya’y matikas
Kabaita’y sagad
Tunay ngang ang mga tao
Sa kaniya’y mapalad.
4.  Isa, dalawa, tatlo
Malaking kabayo
Apat, lima, anim
Ang sasakyan natin
Pito, walo, siyam
Papunta sa pamilihan
Nang di na tayomagastusan.
5.  Minsan naisip ko
Kay sarap atang lumipad
Na tulad ng isang ibon
Sa himpapawid na mapalad
Mabuti pa ang eroplano
Nagagawang magpabalik-balik
Sa langit na pangarap kong 
marating nangpilit
TUGMA SA BAHAGI NG KATAWAN
1.  Sa araw-araw na tayo’y humihinga
Maraming nakikitaang aking mata
Maraming nahahawakan ang aking kamay
Lahat ay pawang mahalaga sa aking buhay.
2.  Makapal na kamay at sunog na kilay
Pawisang balikat at mayroon pang sugat
Huwag kang mag-alala
Balang-araw ay giginhawa ka.
3.  Katulad ni Rita’y isang artista
Mukha n’ya’y maganda, singkit ang mata
Labi n’ya’y manipis, makinis ang kutis
Ang taong tulad n’ya, kung magmahal ay kay tamis.
TUGMA SA MGA GAMIT
1.  Inday, inday sa balitaw
Kahoy nakahapay
Sandok nakasuksuk
Palayok nakahapay
Sinigang na matabang
Kulang sa sampalok.
TUGMA SA KULISAP
1.  Paruparong bukid
Na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan
Papaga-pagapas
Sang dangkal ang tapis
Isang bara ang manggas
Ang saya de kola’y
Isang metro ang syad.
May payneta pa siya, uy!
May suklay pa mandin, uy!
Nagwas de oheles
Ang palilitawin
Haharap sa altar
At magsasalamin
At saka lalakad
Nang pakendeng-kendeng!
TUGMA SA TITIK NG ALPABETO
1.  A, B, C, lutong gabi
Kinain kagabi.
TUGMA SA KALUSUGAN
1.  Ang gulay na pipiliin
Ay hindi ang mamahalin
Kangkong, upo at ampalaya
Sa katawa’y masustansiya.
2.  Uminon ka ng gatas
Kumain ka ng itlog
Hindi magtatagal
Ikaw ay lulusog.
TUGMA SA PAGLALARO
1.  Pung, pung, pumagapong
Nanganak sa haligi
Ano ang anak
Buto’t balat
Bali-bali ang pakpak.
Pung, pung, pungapong
Nakita ko sa kugod
Na pagulung-gulong.
Pung, pung, kasili
Ipinanganak sa kabibe
Ano ang anak?
Babae
Pung, pung, pungapong
Tagulaylay sa sapa
Bulaga.
TUGMA SA PAG-IBIG
1.  Mahal na prinsipe
Kung talaga’t ibig
Hayo’t manulay ka
Sa hiblang sinulid
Pagdating sa gitna
At hindi mapatid
Ako’y iyong-iyo
Kita’y iniibig.
2.  Ang tinidor ni Baby
Ay bungi-bungi
Pati ang kaniyang sampi
Ay bali-bali.
2.  Saan naroon ang alitaptap?
Nasa puno ng dayap
Bakit hindi makalipad?
Bali-bali ang pakpak.
2.  Buyong, buyong
Ilog na gugulung-gulong
Magtago ka na sa kugon
Si Nene pala iyon.
2.  Ang dalaga kung maganda
Parang hinog na papaya
Nakakanlong man sa sanga
Inukit din ng maya.

Comments

Popular posts from this blog

PANANGLAGLAGIP KADAGITI NATAY

PANANGLAGLAGIP KADAGITI NATAY             Tinawen nga iselselebrar ti tattao iti umuna nga dua nga aldaw ti Nobiembre. Dagiti aldaw ti sasanto ken kadagiti aldaw ti kararua.             No dumteng daytoy nga aldaw, masango met dagiti babbaket ken lallakay iti panagaramid ti mayatang kas diket, innapoy, niog, arak, bua, gawed, tabako, itlog, ken manok. Masapul met nga addaan iti maitugkel nga kandila kas silaw dagiti kararua a mangan.             Gapu ta awanpay natay kaniami ket nagtalinaedkam latta idiay uneg ti balaimi ta awanpay mabisitami idiay sementerio. Ngem kastamanpay, nagaramidkami latta iti diket a mayatang ken mapagsasanguan a kanen. Napannak nagpagiling iti diket-a-bakas, naggadgad met ti niog ni tatangko, nagpunas met ti bulong ti saba ni manangko, ni nanangko met ti nangaramid idiay napanko impagili...
SA BAYANG FILIPINAS Ni Apolinario Mabini Bagamat mahina at ako’y may saquit kinusa ng loob, bayang inibig na ipagparali ang laman ng dibdib di na alintana ang madlang ligalig. Sa panahong itong kahigpitang sakdal ay dapat itaya ang layaw at buhay, sa pagka’t di natin dapat pabayaan iba ang kumabig ating kapalaran. Tingni’t nagdadaang halos magpangabot mga kababalaghang pakita ng Dios, tingni yaong bayang palalo at hambog dahil sa ugaling ipinagbabantog. Sapagkat ng una’y kaniyang nasasakupan malalaking bayang nadaya’t nalalang, kaya naman ngayo’y pinagbabayaran ang nagawang sala sa sangkatauhan. Talastas ko’t walang kamahalang sadya sino mang magsaya sa ibang sakuna; nguni’t lalong talos na di naaakma na sa bayang iya’y makisalamuha. Pinaghihimas ka at kinakapatid kapag sa sakuna siya’y napipiit; nguni’t kung ang baya’y payapa’t tahimik aliping busabos na pinaglalait. Ah! Pag nakipag-isa sa naturang bayan gagamit ka n...